Minsan kasi talaga, naffeel ko sakanya na.. Hindi ako ganon kaimportante sakanya. Pero diba nga, hindi porket yun ang nararamdaman mo eh yun na ang totoo? Pwedeng nag-aassume ka lang, pwedeng yun lang talaga ang set ng pag-iisip mo. Walang kasiguraduhan.
Nagtataka lang ako. Alam ko naman na mahal ako ng tao pero naffeel ko to. Sino ba ang may mali? Siya na may pagkukulang o ako na masyadong umaasa ng malaki galing sakanya? Ang set kasi ng pag-iisip ko, kung pano ako magmahal, yun na yung pinaka standard nun. Kumbaga dun ako bumabase. Feeling ko ganon ang tama para mapakita mo na mahal mo yung isang tao.
Saan nga ba talaga binabase yon? Alam ko na hindi yun sa standards ko. Hindi yun sa mga bagay na kaya kong ibigay sakanya kasi hindi naman pare-pareho ang pag-iisip ng mga tao, diba? Hindi porket ganto ako magpakita ng pagmamahal eh dapat ganon din siya. Hindi yun ganon.
Siguro nga, magkaiba kami ng way ng pagpapakita non. Siguro para sakanya, sapat na lahat ng ginagawa niya para mapakita niya sakin na mahal din niya ako. At ang way para maging okay ako, is syempre.. Tanggapin yon. Hindi ako dapat umaasa ng malaki at maging kuntento sa kung pano niya pinapakita na mahal niya ako. Yun lang naman yun, diba? :).
Naging masyadong malaki ang expectations ko sakanya. Hindi ko naman sinasadya lahat yon eh. Sabi nga nila kaya mo lang naman naiisip yon kasi willing ka gumawa ng ganong kalaking bagay para sakanya. Pero ayun, kelangan ko tumigil na mag-expect masyado. Kasi sa huli, ako't ako lang din yung masasaktan samin. :).
Sabi nga ni mommy, wag ako magexpect. Just go with it. Para pag may mga bagay siyang ginawa para sayo, icoconsider mo yon as the bonus part. :).
Oo, kailangan ko matutunan yon. Mahal ko siya. Kaya ibaba ko ang expectations ko para lang maging okay to. Hindi man ganon kadali, pero para sa relasyon naming to, gagawin ko.
