Thursday, September 27, 2012

One night conversation.

Last Monday, sumabog na talaga ako. As ing iyak na ako ng iyak sa mga bagay na nangyayari samin. Parang iniisip ko, bakit nagiging ganto na? Ano nang nangyayari? Sino ba ang nagbago, ako o siya?

These past few weeks kasi, napansin ko na palagi nalang ako umiiyak dahil sakanya. Hindi lalagpas ang isang linggo na hindi ako umiiyak and I'm sick of it. Hindi ko na kaya. Kaya sinabi ko na sakanya lahat netong Monday.

After classes ko, umuwi na rin ako agad para makipagkita sakanya. Hindi kami ok simula kaninang umaga pero nung nagkita kami sa Sherwood, I acted like nothing's wrong between us. I still held his hand as we walk papuntang dorm.

And we talked.

At first, walang kibuan, walang nagsasalita, walang kahit ano. Pareho kaming blangko sa mga nangyayari. Hindi naman kasi dati ganto. The last thing we know, masaya kami. Hindi ko talaga alam sasabihin ko pero naglakas loob na ako kasi alam kong kailangan mangyari ng usapan na to.

Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.

Lahat ng hinanain na nararamdaman ko, sinabi ko na sakanya. Sinabi ko na bakit parang hindi ko na nakikita yung effort niya. Ni simpleng text hindi ko na maasahan sakanya ngayon. Parang feeling ko, ako nalang yung gumagalaw at nagpapatakbo ng relationship namin.

"Minsan kasi, sa smallest efforts nakikita kung mahal ka talaga ng tao o hindi."

I bursted out, crying. Salita lang ako ng salita. Wala na akong pakialam sa kung anong iisipin nya basta sasabihin ko yung side ko. Then when I insisted for him to talk, he said "Siguro kasi ako yung tipong lalaki na ayaw masyado ng atensyon." Sobrang naiyak talaga ako. Kasi feeling ko sobra na ako. Feeling ko in a way, nasasakal na siya sakin. I asked him kung anong gusto niyang gawin ko. Sabi naman niya na wag akong magbago. Ang labo niya.

Siguro, ayaw niya ng masyadong atensyon pero gusto niya yung akin at the same time. I was planning na bawasan na yun, pero ayaw niya. Binabaan na naman niya yung prode niya at nag sorry sakin. Nagsalita na siya at sinabi na "Hindi dapat ako yung nagpapabigat niyan, *turo sa puso ko* Ako dapat nagpapasaya niyan kasi ako ang boyfriend mo."

Somehow, that made my heart smile.

"Hindi mo deserved na ganto ang trato sayo kaya gagawin ko best ko." He was crying that time. As ing iyak talaga. As in sobrang umiiyak din siya kagaya ko. Nasabi ko rin sakanya na "Onti nalang kasi ming, bibitaw na ako." Nasabi ko yan kasi hirap na hirap na talaga ako sakanya. Sawang sawa na yung puso ko na ganon nalang palagi. I wanted him to learn.

In the end, nagsorry siya at inassure niya sakin na gagawin pa niya yung best niya. Ako kasi yung tipong tao na kung gaano kabilis masaktan, ganon din kabilis mabuhayaan. Nagtiwala ako sakanya kasi yung mga luha niya eh.
Sinasabi talaga non na ayaw niya ako mawala sakanya kahit anong mangyari.

So ayun, last thing I remember.. we we're laughing like nothing happened. Sana this time, totoo na. God, sa totoo lang, ayoko na talaga maulit to. Olease guide our relationship.

Thank You, God.

Masyado na akong oa sa mga bagay bagay minsan.

Ang oa oa ko na sakanya, promise. To the point na feeling ko naiinis na siya in a way. Haha. Natrauma na rin kasi ako sa pagsisinungaling mo sakin noon kaya ganto ako. Sinabi mo na na hindi pero todo bantay parin ako. Sorry. Siguro kasi gusto ko lang maging segurista, ayoko na kasi maramdaman yung naramdaman ko noon. Ayun..

Sunday, September 23, 2012

Isang araw lang hinihiling ko.

Haaay. Ngayon. Sobrang lungkot ko talaga. As in. As in. Feeling ko di ko kayang ngumiti. Ngayon kasi, may mall at dinner kami with Mommy & Tita Ning. Nagrequest sila kung pwede namin isama yung mga boyfriend namin ng mga ate ko. Pero siya, hindi pinayagan. Sa totoo lang, hindi ko talaga ine-expect yun. Sobrang hindi talaga. Akala ko makakasama ko siya ngayong araw. Importante kasi tong araw na to para sakin atsaka sa family ko. Ayun. Pero kagabi palang, hindu na talaga pwede. Iyak ako ng iyak nun sa kotse at sa bus nung pauwi kami ng kapatid ko dito sa Laguna. Ang sakit kasi eh.

Kagabi, hindi talaga naging maganda pakikitungo ko sakanya. Naunahan kasi ng lungkot. Wala. Sobrang cold talaga. Nung time na yon, nakatulog pa ako ng malungkot kasi wala paring sinasabi sina tita. Kahit sinasabi nila sakanya na bawal talaga, umaasa parin ako na baka payagan siya. Meron pang bukas ng umaga.. Pero ayun, pagkagising ko at nung nagtext sita.. Hindi parin talaga.

And so I started crying again. This time, hindi na ako ganon nakakakita ng liwanag kasi ngayong araw nalang eh. Wala na. I tried convincing his mother and father.. pero walang reply. Kung anu-ano na nasasabi ko sa boyfriens ko. Ang sakit lang kasi na mamaya, makikita ko mga kapatid ko na kasama nila mga boyfriend nila as requested ni Mommy at Tita.. pero yung akin, nasaan? Wala.

God, hindi ko po talaga alam kung bakit wala ang pag-intindi ko ngayon. Miski sakanya, nagagalit ako kahit alam kong ginawa niya yung best niya. Masyado kasi akong nalulungkot ngayon eh kaya ang nega nega ko. Tapos na ang usapan namin ang yes, it's FINAL.. hindi ko sya makikita mamaya. Wala siya. Hindi talaga siya pinayagan. Masakit talaga, God. Sobra.

Ganto man nangyayari ngayon, iniisip ko nalang na magiging worth it lahat pag nakaraos na kami sa stage na to. Pag dumating na yung TIME na pwede ko na siya palagi makasama. Yung time na isang sabi ko lang, nakakapunta siya. Yung time na malaki na ang karapatan ko sakanya. Ngayon, tiis tiis muna.

Ika nga, God has plans.

Friday, September 14, 2012

Nakakadissapoint lang.

Wala lang, naisip ko lang kanina bakit parang wala lang sayo na di ako makakain kahit gutom na gutom na ako. Parang di ko na feel na sincere ka sakin nung time na yon. Hindi ka man lang nagpresinta na uuwi ka nalang mag-isa, makakain lang ako. Yung tipong ganon ba.. Eh wala eh, chillax ka lang habang ako, alam ko mang magsusuffer ako kasi di ako makakakain. Bakit ganon Ming? Sa totoo lang, dissapointed talaga ako. Hindi man lang ata sumagi sa isip mo yung kapakanan ko.

But he said his sorries already. Alam niyang siya talaga yung mali. Yan ang gusto ko kay ming eh, inaamin nya palagi na nagkamali siya. Never the case na paglalaban niya at dedepensahan niya pa. Ang baba baba ng pride niya. Yun talaga. ❤

Ayun, ok na kami ngayon. Requirement talaga sa mag-on ang pagiging himest sa isa't isa. Gaya ng nangyari kagabi. Tingnan mo, naresolbahan agad. :)

Thursday, September 13, 2012

This feeling, I hate it.

Nagtweet ako ng ganyan kanina, this is what I actually meant.. Sinabi ko lang sakanya na masakit kasi katawan ko. Haaay, Jan. :)

Bothered ako ngayon. Ganda kasi ng bungad sakin nung tweets niya. Nabasa ko run na magkasabay sila ni M kagabi. Hindi ko alam kasabay. Basta alam kong magkasama sila kahapon. Wala, ok lang naman yun. Sadyang di ko lang maiwasan mainsecure sakanya. Nakikita ko palang pangalan niya, parang naaano na ako. Ang ganda kasi niya eh, sexy, magaling sumayaw. Feeling ko she's way too amazing compared sakin.

Insecurity? I know it's not healthy for the mind. I know.

Oo, It hurts me pag ganong alam kong magkasama sila. Wala naman silang ginagawang kahit ano. Pero kasi maganda talaga siya eh. Haha. Ang babaw ko shet. Tapos alam ko pang nagkasomething sila dati. Tsssssk. Sa lahat ng babae, sakanya talaga ako pinakanagseselos pag alam kong kasama niya yung boyfriend ko.

Pero tiwala lang! Hindi ko na to kailangan iopen up kay Nigel. Bothered lang yung feeling ko pero not something para ibig deal pa.

Tuesday, September 11, 2012

To My Future Wife By Him. ❤

Yesterday, he random texted me saying that he wants me to check on something in facebook. It's his essay project. I didn't have an idea what that essay was all about. Basta sabi noya may ipapabasa siya and he wants to know my personal reaction. :) Of course, I said yes and read his essay.

I was really touched. Especially knowing that that his essay pertains more to the love of God. I found it really cute nung sinabi  niya sakin na "Wala lang, gusto ko lang mabasa mo ming. :3" He really wanted me to know how he felt about his essay. Nabanggit niya pa sakin "Gusto ko ikaw na maging future wife ko ming." In other words, yung essay niyang yun.. I was one of his inspirations.

If I were to ask, I would really love to be your future wife. We just need to be strong ming.. in anything life will offer us.