Thursday, September 27, 2012

One night conversation.

Last Monday, sumabog na talaga ako. As ing iyak na ako ng iyak sa mga bagay na nangyayari samin. Parang iniisip ko, bakit nagiging ganto na? Ano nang nangyayari? Sino ba ang nagbago, ako o siya?

These past few weeks kasi, napansin ko na palagi nalang ako umiiyak dahil sakanya. Hindi lalagpas ang isang linggo na hindi ako umiiyak and I'm sick of it. Hindi ko na kaya. Kaya sinabi ko na sakanya lahat netong Monday.

After classes ko, umuwi na rin ako agad para makipagkita sakanya. Hindi kami ok simula kaninang umaga pero nung nagkita kami sa Sherwood, I acted like nothing's wrong between us. I still held his hand as we walk papuntang dorm.

And we talked.

At first, walang kibuan, walang nagsasalita, walang kahit ano. Pareho kaming blangko sa mga nangyayari. Hindi naman kasi dati ganto. The last thing we know, masaya kami. Hindi ko talaga alam sasabihin ko pero naglakas loob na ako kasi alam kong kailangan mangyari ng usapan na to.

Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.

Lahat ng hinanain na nararamdaman ko, sinabi ko na sakanya. Sinabi ko na bakit parang hindi ko na nakikita yung effort niya. Ni simpleng text hindi ko na maasahan sakanya ngayon. Parang feeling ko, ako nalang yung gumagalaw at nagpapatakbo ng relationship namin.

"Minsan kasi, sa smallest efforts nakikita kung mahal ka talaga ng tao o hindi."

I bursted out, crying. Salita lang ako ng salita. Wala na akong pakialam sa kung anong iisipin nya basta sasabihin ko yung side ko. Then when I insisted for him to talk, he said "Siguro kasi ako yung tipong lalaki na ayaw masyado ng atensyon." Sobrang naiyak talaga ako. Kasi feeling ko sobra na ako. Feeling ko in a way, nasasakal na siya sakin. I asked him kung anong gusto niyang gawin ko. Sabi naman niya na wag akong magbago. Ang labo niya.

Siguro, ayaw niya ng masyadong atensyon pero gusto niya yung akin at the same time. I was planning na bawasan na yun, pero ayaw niya. Binabaan na naman niya yung prode niya at nag sorry sakin. Nagsalita na siya at sinabi na "Hindi dapat ako yung nagpapabigat niyan, *turo sa puso ko* Ako dapat nagpapasaya niyan kasi ako ang boyfriend mo."

Somehow, that made my heart smile.

"Hindi mo deserved na ganto ang trato sayo kaya gagawin ko best ko." He was crying that time. As ing iyak talaga. As in sobrang umiiyak din siya kagaya ko. Nasabi ko rin sakanya na "Onti nalang kasi ming, bibitaw na ako." Nasabi ko yan kasi hirap na hirap na talaga ako sakanya. Sawang sawa na yung puso ko na ganon nalang palagi. I wanted him to learn.

In the end, nagsorry siya at inassure niya sakin na gagawin pa niya yung best niya. Ako kasi yung tipong tao na kung gaano kabilis masaktan, ganon din kabilis mabuhayaan. Nagtiwala ako sakanya kasi yung mga luha niya eh.
Sinasabi talaga non na ayaw niya ako mawala sakanya kahit anong mangyari.

So ayun, last thing I remember.. we we're laughing like nothing happened. Sana this time, totoo na. God, sa totoo lang, ayoko na talaga maulit to. Olease guide our relationship.

Thank You, God.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.