Saturday, March 9, 2013

Ayoko mawala at masayang ang lahat.

Sa relasyon namin ngayon, hindi ko na talaga alam kung sino ang mali samin. Siguro dalawa kami, pero hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan bakit nagiging ganto na.

Una sa lahat, AYOKO MAWALA TO. Mas dodoble pa sa sakit ng nararamdaman ko ngayon pag nangyari yon. Sa totoo lang, ok naman kami ngayon. Pero may something talaga na di' tama. :(.

Naisip ko lang, anong nangyari? Sino ba ang nagkamali samin? Ako ba o siya? Gusto ko talaga mafigure-out yun kasi kung magpapatuloy to, mawawala ang relationship na to.

Sa side ko, napapansin ko nga na masyado na talaga akong demanding sakanya. Masyado na akong clingy to the point na parang di na siya masaya sakin. Sorry.. Sorry kung ganon ako. Pero wag ka mag-alala, mas magigung maingat ako. Gusto ko na rin bumalik sa dating Jan. Yung Jan na minahal mo noon. Yung Jan na gustong gusto mo mapasayo. Yung Jan na yon.. Hahanapin at ibabalik ko para sayo.

May solusyon sa lahat ng bagay lalo na pag gusto mo talaga maayos. Gusto kong maayos to at hindi ibalewala. Kaya naka-isip ako ng solusyon.. At yun ay magbago.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.