Friday, August 10, 2012

To be honest, I want to be with you all the time.. like they are. (adaylatepost)

Masaya ako ngayong araw. Sobra. Nakita ko kasi ulit yung boyfriend ko. Iba parin talaga pag nagkasama kayo.. kahit gaano pa kasaglit yon. Masayang masaya na talaga ako kanina basta alam ko lang na andyan siya. Pinapunta ko kasi kanina eh, buti pinayagan siya. :)

Ngayon, syempre obvious naman, hindi ko na siya kasama. Kung kasama ko kasi siya ni di ko magagalaw ng matagalan tong phone ko. Haha. Anyway, my concern is.. Minsan, hindi ko na maintindihan yung parents niya. Hindi ko alam kung nasasabi ko lang ba to ngayon dahil nalungkot akong wala na naman siya or what. Basta ngayon, naiisip ko.. "Bakit hindi nila hayaan yung anak nila na maging independent naman at maging malaya kahit papano?" Hindi ko rin naman sinasabing nasasakal siya sa parents niya ngayon.. Ano lang, yung mga restrictions kasi, feeling ko sobra na. Naaawa ako sa sarili ko kasi sarili kong boyfriend, hindi ko makasama ng ayos. Sakanya rin, naaawa ako. Alam kong palagi niyang gusto na makasama ako ng mas matagal pa. Pero palaging bawal. Kung oo man, nako. Minsan lang din mangyari.

Naiinggit lang ako sa mga couple na nasa paligid ko. Palagi silang magkasama, nakakapagovernight, nakakapagbonding ng isang buong araw, etc. to the the point na parang sanay na sila sa isa't isa sa sobrang dami. Samantalang ako, minsan ko lang talaga siya makasama. Kaya everytime na magkasama kami, I always seize the moment. Every moment. Kaya wag siya magtaka kung bakit sobra sobrang sweet ko pag magkasama kami. Pwsh, kahit pala palagi, sweet parin ako. Haha.

Gusto ko lang, makasama pa siya ng mas maraming beses. Pero kung hindi naman, naguguluhan man ako minsan kung bakit ganon ang parents niya.. Iintindihin ko kasi mahal ko sila. Kailangan ko intindihin kasi alam ko naman na "Parents know best." Kung yun talaga ang way ng pagpapalaki nila sa boyfriend ko, rerespetuhin ko yun. Masakit lang talaga minsan para sakin na hindi siya masyadong makasama pero mahal ko siya, kaya kakayanin ko. Kahit gaano pa katagal o kahaba yung agwat ng di namin pagkikita, tatanggapin ko lang ng tatanggapin. Wala eh, mahal ko siya eh kaya kahit anong problema pa dumating diyan.. kakayanin ko. Alam kong may magandang kapalit din lahat ng to.. balang araw. :)

Thank you God! Smile lang ng smile. :)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.