Wednesday, October 9, 2013

Fears

Naiinis ako sa sarili ko kasi kahit okay na kami, palagi ako naghahanap ng away. Alam mo yun? Lahat na ng bagay kinonek ko sa mga nangyari noon. Halimabawa, hindi siya nagrereply, iniisip ko agad may kausap na siyang iba o what. Pag hindi siya nakakapagtext sakin tuwing free time niya sa school, iniisip ko may kasama siyang iba.

Alam mo yun, lahat na kinonek ko sa pambababae. Lalo na kay .... Alam mo yung feeling na hanggang ngayon, halatang di ko parin nakakalimutan yung nangyari noon. Yung feeling na baka gawin o ginagawa na naman niya. Parang palagi nalang ganon takbo ng isip ko. Syempre, epekto to ng nangyari noon. Gusto ko to mawala sakin, pero ang hirap makalimot.

Pinapakita ko palagi sakanya na matapang ako. Kung nakikipaglandian siya sa iba, sinasabi ko sakanya na iwan nalang niya ako. Wala na akong pake eh. Pero sa totoo lang, may pake ako. Ayoko nang mangyari ulit lahat. Pero alam mo yung binubuksan ko nalang sarili ko sa realidad na baka maulit ulit.. para hindi na masakit.

Pero natatakot ako. Takot na takot. Kasi what if mangyari o nangyayari na ulit ngayon?

Matapang ako. Yun ang pinapakita ko sakanya. Pero umaasa parin ako na wala na talaga. At kami na talaga. Gusto ko nalang maging masayang masaya ulit tulad noon.



I'm just showing him that I'm strong now.. but in reality, I'm not. I'm so afraid to get hurt again.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.