Wednesday, November 6, 2013

Positive heart

Magkasama kami kahapon. Hindi na kami tumuloy sakanila. Nakakatuwa lang kasi yung nga topic namin ngayon puro bout samin. What surprised me, siya yung mas hype samin for some reason. 

Una napag-usapan namin kung ano ba siya sa relationship. Aminado naman siya na hindi raw talaga siya magaling pagdating dun. Pag gantong serious na't stable na. Medyo magulo din to eh, nung nilalagawan naman niya ako, he knows what to do. Pero nung kami na, parang he needs to be guided. 

So okay, then I'll do it for him. I told him that I would give him like 300 a week then bale yun na yung ambag ko whenever lalabas kami. Kung sobra man, itatabi namin. Kung kulang, then siya na bahala magdagdag. Haha. 300 lang eh noh medyo kulang yun pero sya na bahala. Lol. Onting tulong lang. Ayoko kasi ng siya lang eh kasi wala naman siyang work or what to provide that much for me. 

So ayun, I told him "Ayan ha, tinuturuan na kita mag make ng decisions sa mga gantong bagay para marunong ka na sa next girlfriend mo. :)" Honestly, may ouch feeling nung sinabi ko yun. Natawa lang siya't sinabi sakin na "Ano ka ba, ikaw lang naman next and last girlfriend ko."

We were walking and walking. Nakakatuwa kasi he always kiss me on the forehead every now and then. Ganon naman siya palagi, lol. Pero may naiba kanina, he kissed me sa lips.. And yes, in public. Super ayoko ng ganon honestly. Galit ako sa mga taong pda. I want his kiss.. Oo. Pero wag lang talaga sa public. Tas nakakatawa kasi sa sidewalk kami naglalakad nun tapos everytime mapapadaan kami sa likod ng poste, he would kiss me. Yes, sa lips. Natatawa lang ako kasi hindi talaga ako sanay nagkkiss kami sa public. But yes, nobody saw us that time. He was indeed sure about that at tingin ko rin naman. Haha. ❤

Anyway, we stopped somewhere to get a drink. Uhaw na uhaw na kasi ako. Ay wait onga pala, he was bringing my bag the whole time! Ngayon lang ata yun kasi ayoko talagang nagpapabuhat ng bag kahit sinasabi niya na siya na. Eh ayoko talaga. Naiirita kasi ako sa mga babaeng nagpapadala ng bag nila sa mga boyfriend nila eh pouch size lang naman ang putek.. Masabi lang? Haha! Anyway, pinadala ko lang sakanya yun just because mabigat talaga siya at hindi ko na kaya. 

Ayun, as I was saying we stopped somewhere to get a drink. He bought this banana ramma which we really loved eer since. Then napakwentuhan na naman kami. Katawa yung set up eh may candle pa so medyo bagay sa moment. Lol. Anyway, I asked him random things like "Ming, pag nagkapamilya ka na in the future, what kind of dad kaya ikaw tingin mo?" He told me he would be a cool dad. Sinabi ko sakanya na siguro ako rin, cool mom. Pero he doubted it because mothers just don't think that way when it comes to thier children. Haha. Oo nga naman. 

Sinabi ko rin na grabe, kung iisipin ang tagal pa nun. Ang dami pang pwedeng mangyari. Pero eto na naman siyang si tangge. "Sobrang bilis nalang ng panahon ngayon ming. Naalala mo ba nung napagusapan natin na mag-iibang bansa ka pagkapagrad ka na? Oh tingnan mo, halos andun na tayo ngayon. :)" Sabagay, minsan ang panahon di mo napapansin na lumilipas na. Di ko man sinabi sakanya, I hope and pray na okay parin kami when that time comes. 

And we talked and talked and talked. And I suddenly asked him (dami kong tinatanong badtrip)  "Ming, naisip mo ba minsan na what if makakita tayo ng someone na mas better satin? Of course there would always be someone betters diba? Wala lang, hindi mo ba naiisip yun paminsan?" I honestly don't know what's gotten into my mind to ask that question. Siguro, curious lang talaga ako. 

"Oo naman, there will always be someone better ming. Pero merong bagay na wala sakanila at meron sayo. At yun yung friendship that we made. Yung memories, yung mga napagdaanan natin, lahat lahat. Bakit pag nakakita ba ako eh kikilalanin ko pa sila ng matagal gaya ng ginawa ko sayo?"

Something like that. Actually, almost the same. Haha. Anyway, napangiti naman ako dun. Natuwa lang ako kasi posituve talaga tong mag-isip si ming compared sakin. Ako ang nega ko kasi. I thank God kasi siya, hindi ganon. Pinaglalaban niya pa na hindi talaga mawawala tong samin just because of those things. 

He really doesn't know kung ano minsan yung napapafeel niya sakin. Yung mga nega. Pero wala eh, dahil talagang positive siya mag-isip in a way, parang feeling ko kailangan ko na rin mag-isip ng ganon. In a way. 

So ayun, then umuwi na kami. It was really fun. I thank God for what hapoened today. And mostly, I thank God for always giving him.. A positive heart. That would really help a lot in this relationship. I just know. :). 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.