Nagsabi ako sakanya na next time, galingan naman niya pag magsisinungaling siya. BOOM. Kaya nagsabi agad siya na papunta na siya. Parang surprise ang plano niya. Pero MAY MALI TALAGA EH. Nafeel ko yon. Kaya hindi ko siya tinitigilan and eventually, umamin na siya. Napakasakit. Sobrang sakit. Bakit niya kailangan gawin yon!? Bakit kailangan niyang magsinungaling sakin. Naisip ko tuloy, ilang beses na kaya niyang ginagawa sakin tong ganto.
Lumipas ang oras, pumunta parin talaga siya dito kahit pinipigilan ko na. Masakit isipin na gusto na niyang pumunta kasi alam niyang galit na ako sakanya. Nagkita kami at last. Nung una, di talaga siya makatingin sakin. As ing hindi, siya pa mismo nagsabi. Nag-usap kami. Hawak hawak ko na yung bracelet ko at balak ko na ibalik sakanya. Ayoko na, ayoko nang maulit ulit tong ganto. Pangalawa na to. Pero nung nakita ko siyang napaluha, medyo nagbago isip ko. Napakahirap nung andon pa ako sa sitwasyon. Then tumaas siya. We really talked. Sinabi niya sakin mga dahilan niya. Sa totoo lang, may point naman siya. Pero yung fact kasi talaga na nagsinungaling siya, masakit talaga eh. Ang hirap pakawalan nalang.
May point sa pag-uusap namin na magbreak-up muna kami at pag naayos na ni niya sarili niya, bumalik na siya sakin. We actually removed our bracelets and exchanged. Pero sa usapan namin yun, di natuloy. Kasi naman sabi niya sakin ganon parin daw. Magtetext parin daw siya palagi, mag gogoodmorning etc. Just what normal boyfriends do. Kaya binawa ko na, wala rin pala eh. Atsaka, feeling ko mahihirapan din ako at siya sa ganon. Kaya di namin tinuloy. Teehee.
It all ended up, napagbigyan ko ulit siya. Kailangan eh, kasi di magwowork tong relationship na to pag dun palang, wala na. Sa ngayon siguro, wala na naman akong tiwala sakanya. Ayoko na mag-expect na mababalik ulit yon. si God nalang ang bahala kung anong mangyayari. :)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.