Nakapag-usap kami ng friend ko about sa last blog post ko. Tinanong ko siya kung ano ba dapat gawin ko. This was what she said:
"Patawarin mo na. Sabihin mo sakanya na huli nya yun. Wag na kamo sya magsinungaling ulit sayo.. kasi masakit kamo. As in sobrang nahhurt ka pag nagsisinungaling sya sayo kahit sa simpleng bagay. Sabihin nalang nya kamo ung totoo kesa magsinungaling. Kasi mas masakit na malaman na nagsinungaling sya kaysa dun sa rason nya. Maiintindihan mo naman kamo yung rason nya kung reasonable naman. Ganon. Pag nasundan pa kamo yun, eh baka di nya magustuhan ang mangyare kaya please lang wag na ulit. Tas ayun, para okay na kayo. Kahit naman patawarin mo yan babawi't babawi yan sayo. Kahit naman alam nyang okay na kayo, alam pa rin nyang wala ka na "masyadong" tiwala sakanya. Kaya babawi talaga yan sayo ng bongga. 😊 kaya mas okay ng patawarin mo. 😊"
Kung tutuusin nga naman, di rin ganon kalaki ang kasalanan ni Ming. Sadyang nadala lang ako mga emosyon ko kaya nagmukhang malaki kasalanan niya. Hahaha. Ang sakit lang kasi talaga lero ngayon nabawasan na dahil dito. Thank you, Maine. You're a great friend.
Pinatawad ko na si Ming with all my heart. Ok na, maluwag na pakiramdam ko ngayon kahit papaano. Nagsorry na rin ako for thinking of giving up so fast. Pathetic lang talaga. Pero ayun, masaya ako na ganto na feeling ko ngayon. Thank you, God. :)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.