Monday, January 7, 2013

Swerte pala ako.

These past few days, nasstress ako sa mga naririnig ko galing sa mga kaibigan ko. Yung mga lovelife nila, parang disaster na ngayon. Hindi ko maintindihan bakit ang mga lalaki paminsan, likas na manloloko.

First kwento. Yung about sa kaibigan kong si girl. Yung about sakanya at kay guy na ayos naman noon, ngayon wala na. Bigla nalang daw lumabo si guy at na found out pa ni girl na sex lang ang gusto ni guy I mean, hindi siya mabubuhay pag wala yung "need" niyang yon. To add on, si guy may girlfriend. Ang saklap diba? Napaka walang kwentang lalaki.

Second kwento. Yung about naman sa kaibigan ko ulit na si girl. Etong kwento nila medyo magulo eh. Pareho kasi silang may mali. Pero syempre kung may pipiliin parin akong side, aba sa babae yon. Ever since kasi, nasira na yung tiwala ni girl kay guy dahil sa isang nangyari. Tendency, less trust, more control. Yon ang nangyari sakanila. Kaya maraming bawal pagdating ni girl kay guy. Dahil don, nagtago si guy ng mga bagay bagay, lahat ng bawal like pakikipag-usap masyado kay *insert pinagseselosang girl here*, pagtingin ng mga profile ng kung sinu-sinong babae sa fb. Kaya ayun, nagrebelde si guy at ginawa yon lahat ng patago. I know the reason why he hid it from girl para hindi mahirt si girl? Pero naiisip ko lang.. BAKIT? Bakit pa kailangan gawin ni guy yon? Diba kung may respeto naman talaga siya kay girl, malaman man ni Danica yon o hindi.. hindi nya gagawin simply because he wants to respect his girlfriend. Yun ang mali ni guy on my own perspective.

Last kwento. Sa totoo lang dito ako may pinakarant. Nakakainis kasi talaga. Yung kapatid ng boyfriend ko, minsang nagmahal. Ok sila pero ganon ganon lang, iniwan siya ni guy. Isang buwan sila di nag-usap. Walang sorryhan na naganap o kung ano man. Etong si girl nag-gm one day at nagreply si guy ng "hello :)" at nagkamustahan sila. Nabalitaan ko pa na si guy, parang flirty ulit ang dating kay girl. Sobrang nainis ako don. Kasi nakakagag* talaga. Iiwan tapos babalik na parang walang nangyari? Pwede ba. That's not how you treat a girl like. Kaya ayun, dineretso ko na si girl na hindi siya mahal ni guy. Which I think is the TRUTH. Masakit? Yes. Pero yun ang reality. Kailanman, hindi magiging masaya kung ikaw lang ang tunay na nagmamahal. It's a give and take system. It will always be.

So yan. Yan yung mga kwento g nasagap ko thes days. Dahil sa mga yan narealize kong..

SWERTE PA PALA AKO.

I know posible na nasasabi ko lang to kasi okay ang sitwasyon namin ngayon. But anyway, I will still say it. Napakaswerte ko sa boyfriend ko. Hindi siya yung tipong lalaki na walang ibang inisip kung di ang sarili. Iba ang takbo ng isip nya. Makita lang nyang masaya ako, masaya na rin siya. Gagawin niya ang lahat ng kaya niya mapasaya lang niya ako. Siya yung tipong lalaki na hindi lang sex ang hanil sakin. Siya yung tipong lalaki na malaki ang respeto sa mga desisyon ko. Siya yung tipong lalaki na bababain ang pride, hindi lang ako maka-away. Siya yung tipong lalaki na kaya magsacrifice ng mga bagay bagay mapatunayan lang niya saking mahal niya ako. Siya yung tipong lalaki na ramdam ko na kahit kailan, hindi ako iiwan. Siya yung tipong lalaki na tunay magmahal ng isang babaenhg katulad ko. ❤

Naisip ko lang, napakaswerte ko pa pala. Kasi ang boyfriend ko, hindi man perpekto, nagkakamali rin, nasakanya parin yung definition ng True Love. Gusto ko lang talaga mag thank You kay God na natagpuan ko siya. Hindi pa naman ako umaasa ngayon na ganyan na siya habang buhay.. Pero ngayon, masasabi kong ginagawa niya ang lahat, hindi lang siya magbago and will still be my Ming many many many years from now. ❤


Swerte pala ako.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.