Akala ko tong araw na to, wala nalang. Parang normal day lang since "cool-off" kami ng boyfriend ko. Pero yep, alam ko namang di yon dahil don. :)
Regular classes, syempre. Pero ang kakaiba ngayon napakadaming bulaklak sa paligid. Mga lalaki at babaeng may hawak neto. Naisip ko nga eh, may magbigay kaya sakin. XD. Pero meron nga, sina Ola at Ino. Ang mga napakasweet kong mga kaibigan. Haha. Thanks guys, super naappreciate ko! :*
Sa totoo lang, gusto ko na matapos ang school day kasi alam kong pag-uwi ko, he would be waiting outside or inside our dorm. At oo, naeexcite ako para dun. Matagal tagal din kaming di nag-usap ng lalaking to. That's why it would be nice to see him again. :).
Dumating ako, wala pa. Kaya humiga muna ako at nagpahinga. Nakatulog din ako onti. At ayun, dun ko na nafeel na andyan na siya. Habang nakahiga ako, tinabihan niya ako at nagulat ako.. May GITARA siyang dala. Sobrang natuwa ako na ewan. Ngayon lang niya ako kakantahan ng ganto. :(.
"Wala pang gumagawa sayo ever neto diba, ming?"
Then he sang to me.. LITTLE THINGS by One Direction. ❤
Sobrang natuwa ako. Hindi ko maexplain. I wanted to cry but tears just won't come out, I don't know why. XD. Pero one thing's for sure.. I was happy. Nakangiti lang ako all the time. :). Bawat lyrics nung kinanta niya, alam kong message niya para sakin. Sobrang saya ko talaga. As in sobraaaaa. Thank you for making me happy on this special day. ❤
After singing, I kissed him. I missed that. Di man ganon katagal nawala yon, namiss ko talaga ng sobra kasi yung kiss na yon, parang naging sign na OKAY NA ULIT. That kiss.. Alam kong namiss din talaga niya yon ng sobra. Haha. Di ako assumera ha, alam ko lang talaga. :). He even said "Ang ganda mo." Haha. Nagulat nga ako eh, napatanong pa ako ng bakit. Namiss niya raw kasi talaga ako. And yes, namiss din kita. Kung alam mo lang. :).
So yea, that's how I spent my 2nd Valentine's Day with him. ❤
Thank you, God. :)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.