Thursday, April 18, 2013

I wanna go back

Tapos na ako gumawa ng project ngayon. Pero hindi parin ako natutulog. Wala lang. Kung anu-ano na naman pinaggagagawa ko sa internet ngayon. Tas instalk ko siya. I saw our past pictures.. Tas bigla nalang ako naluha. Haha. Medyo emo eh noh? Pero wala eh, gustong gusto ko talaga bumalik sa mga panahong yun. Yung wala pa akong inaalala, ang alam ko lang inlove na inlove pa siya sakin. Ngayon kasi, parang hindi na eh. May nawala kasi talaga. Okay, umiiyak na naman ako ngayon. Haaay. Wala lang, namimiss ko lang talaga yung mga days na yon. Yung mga days na super confident lang ako. :(

God, ang hirap magmove on. Gusto ko man bumalik sa noon, may nawala na talaga eh. Ang hirap hirap ibalik. :( Ginagawa niya best niya.. Pero bakit ganon, natatakot parin ako sa mga bagay na pwedeng mangyari? Mali to eh, na iniisip ko agad yung future eh wala pa nga. Pero God.. Kung may isa man akong bagay na hihilingin sainyo ngayon.. Yun ay mabalik yung CONFIDENCE ko sakanya. Ngayon, wala siyang alam na ganto nararamdaman ko. Ayoko na rin sabihin eh, baka isipin na naman nun na nagbabalik ako o what. Pero ayun.. Ang hirap hirap ng ganto. Yung gantong may natitira paring mga doubts sa utak ko. :( Bakit ba kasi hindi nalang sila maglaho para wala nalang problema. Hindi ko alam, natatakot talaga ako eh. Kasi.. Ayun nga.. Sinabi rin niya sakin nung 2011, 2012 na never niya ako iiwan pero naranasan ko parin sakanya yung halfway palabas na siya sa relationship na to..

I wanna ask you SO many things ming. Marami akong katanungan sayo. Pero sa tingin ko kailangan ko mafound out yung mga sagot indirectly. It will always show naman sa actions mo.

I wanna go back to that time where everything's still alright. (_ _). I REALLY DO.

Goodnight. Matutulog na siguro ako. :)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.