Monday, April 22, 2013

La Virginia, Batangas

Yaaaay. Halos kauuwi ko lang galing sa Batangas. Unexpectedly kasi, sinama ako ng family niya dun. Thank you talaga, God! Sinabi palang sakin ni tita na "Gusto mo sumama?" di ko napigilan sarili ko. Napatili talaga ako ng wala sa oras. Hahaha.

Anyway, our stay there was great! Although NAPAKA-INIT, masaya parin kasi wala eh.. La Virginia eh. Haha. La lang, idol ko yung place na yon kasi nung unang beses ako nakarating dun, super nag-enjoy talaga ako. :)

1st day.

Sinundo na nila ako dito sa dorm ng umaga tapos deretso na kaming Batangas. Tumigil pa kami sa isang bahay ng kamag-anak nila. Nag ice cream. Nyahaha. Tapos pumunta nang LV. Yehey, ganon parin yung itsura niya pero ngayon may castle na. Ganda nung castle infernes. Haha. Ayun, punta muna sa room tapos.. NAG-LIBOT LIBOT kahit sobrang init. Picture picture. Nagpapasalamat talaga ako sa pamilyang to kasi feel ko na tanggap talaga nila ako as girlfriens niya. Kumbaga, welcome sa family nila. :)

Tapos balik sa room.. Tulog for ilang hours. Yay. Ako pa nga raw pasimunp sabi ni Tita. Hahaha. Tas ayun, pagkagising.. SWIMMING TIME NA! Yaaay! Dun kami nag swimming sa Infinity pool. Tinry namin lumipat lipat pero sa Infinity pool parin ang bagsak namin at.. Ayun, nagkatamaran na run. After swimming, kain! Lamon! Tapos ligo na rin isa-isa. Naeexcite ako pagkatapos maligo kasi niyaya ko siya lumabas at mag-ikot ikot saglit. At ayun, Thank God natuloy kami.

Sa labas, may plano na ako agad. Kanina ko pa kasi talaga minamataan yung mataas na tree house kaya doon ko rin talaga agad siya dinala. Mwahaha. Nung una, ayaw niya talaga hindi ko rin alam kung bakit. Natatakot ata. Haha. Joke, baka raw kasi sarado na. Eh ano naman!? YOLO, fre. Kaya ayun, tumaas parin kami sa pinakatuktok. Ang saya saya ko kasi wala lang, ang taas dun tapos ang lamig lamig pa. Brrrr.

Then we got sweet all of a sudden. We talked about us. Basta cheesy! Hahaha. Hanggang sa umabot sa point na ayun.. Sa totoo lang hindi talaga makapaniwala na nangyari yon. Grrr, kisses. Pero wala eh, ganon talaga. At habang ganon, I keep on telling him "Wag mo akong iiwan ha?" Tapos palagi niyang sasabihin "Bakit mo ba tinatanong yan?" Hmm. Hindi ko rin talaga alam eh. Siguro andoon parin kasi talaga yung takot ko na baka bigla ka nalang umalis. Yung tipong akala ko ok tayo, hindi naman pala. Katulad nung nangyari satin dati. Iiwan mo na naman ako for stupid reasons. No. Hindi na kasi talaga kakayanin neto *turo sa puso* kapag may nangyari na namang ganon eh. Hindi na talaga. I don't know why I keep on thinking future problems. Wala pa nga eh, nilalagay ko na agad. Excited lang? Hahaha. Anyway ayun, I just want to know where I really stand with you.

After we talked about random things. Like me imagining flying lanterns again. Tapos sinabi niya, sa kasal daw namin achuchu. Medyo nagtaka ako kasi akala ko ba ayaw na muna niya isipin mga ganon tapos ayun, pati yung pagtravel na sinasabi ko sakanyang gusto ko noon, sabi niya sakin.. Gusto niya yung siya lang. Hehe. That day. That was one of the proofs that he's really turning to someone I don't know. Pero nung gabing yon, in a way, parang binawi niya. Yung sa Tangled na new dream something. Hindi ko na masyado maalala. Pero ayun, I really hope that you changed back your mind, baby. :)

Then off to hotel again and watched HIMYM. Gahhhh, really missed watching that. After, natulog na rin kami lahat. :)

2nd day.

It was fun, too! Medyo late na kami nagising eh kaya late na rin nakapagswimming. Hindi kami nagswimming dalawa at tumambay tambay nalang kung nasan sila. Picture picture din tapos hotel na ulit para maligo. Wala naglaro lang ako sa tab ng kapatid niya. Then ligo time narin. Pinauna ko na siya sakin para sure na maliligo siya. Hindi kasi talaga ako maliligo pag di siya naligo. Ayun, but masunuring bata naman. After naming maligo lahat, more pictures sa labas! Tapos.. ZIP LINE naaaaa! Yay! Akala ko talaga di na matutuloy yun. Hahaha. First round: with his sister, second round: with him. :)

After Zip Line, bumyahe na rin kami pabalik dito sa Manila. Tumigil pa kaming Mang Inasal para kumain. Medyo badtrip nga eh kasi nabigla yung tiyan ko kaya di masyadong masaya kain ko. Hahaha. Sayang. Pero oks lang yun. Tapos after kumain, hinatid na rin nila ako dito sa dorm. Gahhhh. Super nag-enjoy talaga ako, God! Thank you, thank you, thank you!

Well that's how my La Virginia trip with his fam went. I'm really thankful to his parents for accepting me as their son's girlfriend. And of course to his sister and little brother, too. :) I am really lucky to meet such nice people. Their family might not have everything but there's one thing that makes them perfect.. And that is they love each other so much. :)

Hope to have more and more and more and more memories with them. :)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.