Noon, ang dali dali lang isipin. Na kami na talaga sa huli. Tipong sobrang thankful talaga ako kasi nakahanap na ako ng taong takot mawala ako. Pero dahil sa mga nangyari samin.. Parang nahihirapan na ako isipin ulit yun. Feeling ko anytime, pwede na naman magkagulo. Feeling ko anytime, manghihina na naman ang isa samin. Feeling ko anytime, iiwan niya ako ulit.
He keeps on saying na hindi naman niya gagawin yun. Pero kung iisipin.. Diba, yun din naman ang sinabi niya sakin noon? Walang iwanan kahit anong mangyari. Walang bibitaw. Pero anong nangyari? He still left me. Bumabawi man siya ngayon, yung fact na nagawa niya yon noon, feeling ko anytime.. Pwede ulit mangyari.
Hindi ko na naffeel na takot siyang mawala ako. Sa tingin ko pag lumayo ako, hahayaan nalang niya ako. Walang pigil pigil na magaganap. Let it be, ganon. Nalulungkot lang talaga ako.. Di na ba talaga ako ganon ka worth para sakanya di tulad noon? Meron ba akong mga ugali na napairal ko at naayawan niya kaya siya ganyan? Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung anong nangyari.
Maybe.. In a way, he already fell out of love. Kung tutuusin.. Di naman niya talaga ako iiwan in the first place kung mahal niya talaga ako. He will stay NO MATTER WHAT. That's true love. Pero wala eh, nangyari na. Bumalik naman na siya ngayon at nagiging okay na ulit. Pero naiinis ako sa fact na it happened. Nakakalungkot kasi despite sa lahat ng nangyari samin, nagawa niya parin yon.
Okay naman na eh, okay na. Everything's falling to place again. Siguro hindi pa lang ako ganon katapang enough para iaccept yung fact na nangyari na. Masyado kasi ako siguro nagtiwala na hindi niya kaya na wala ako sakanya where in fact, mukang kaya naman niya. :)
Alam ko namang mahal niya ako eh at syempre, mahal ko rin siya. Hindi lang talaga siguro talo yung nararamdaman naming dalawa. Maybe masyado akong seryoso, masyado akong nageexpect, masyado akong nagassume na kami na talaga hanggang dulo. Minsan, naiisip ko.. Sana mawala yung masyado akong may pake. Sana mapantayan ko rin yung nararamdaman niya para di nalang ako madaling masaktan. :) Kasi pag gantong mas nagmamahal ka, ang hirap hirap din pala. Sana isang beses pag gising ko, mawalan naman ako ng pake sa lahat ng bagay kahit onti lang.
Sa ngayon, my illusion of that Forever is not with me anymore. Feeling ko after 5 years and so, wala na ang Ming na akala ko dati.. Sobrang magtatagal. One thing I learned, there really are no perfect relationships at walang instant happy ending. You need to experience all this bullshit first before truly understanding your feelings. Pero khng tatanungin ako.. I really want to go back at that time na confident pa ako samin. Ang sarap kaya sa feeling na ganong may taong ayaw ka mawala. :)
But then again, hindi ko pwedeng ipilit ang mga bagay bagay. Kung talagang medyo nauntog na siya na di pa pala ako yung babaeng para sakanya, wala naman akong magagawa dun. Ang hirap nga noh, mahirap nga yung 1st and last concept sa relationships. Yun talaga ang gusto kong mangyari pero parang di na pala ganon kadali yon. May mga bagay kasi na kahit gano mo kagusto, kung ayaw naman sayo wala ka talagang magagawa don. Kahit gano mo pa kamahal, di parin yun excemption para mahalin ka rin niya ng buong buo. :)
Sa ngayon mahal niya ako, mahal ko siya. Sadyang may mga bagay lang na nawala ever since nagkaproblema. At isa yun sa illusion ko na forever na talaga kami. Pwede namang oo, pero ngayon.. Pwede na ring hindi. :) Rero kung papapiliin ako.. Syempre gusto ko kami na talaga hanggang kadulu-duluhan. I'll be always willing naman.. Always.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.