Thursday, August 1, 2013

If I only knew then, what I know now. (a week late post)

Una sa lahat, this is my fault. Ako ang naghanap ng problema. Ako ang naghanap ng gulo. Hindi ko naman sinasadya eh. Sadyang chineck ko lang facebook niya. Tas ayun, nakita ko yung conve niya with a girl noon. Alam ko naman talagang nagkasomething sila noon eh. Alam ko yun. :). Pero nagtiwala ako sakanya. Kasi alam kong wala naman siyang agawin about dun. Hindi niya ifflirt, or kahit ano. Kumbaga, no big deal. :D. 

But I was wrong. Medyo nagkasomething pala talaga sila noon. The way he talks to her, may laman talaga eh. And yes, masakit sakin yun. Naisip ko lang na ang unfair niya. Kasi ako, simula dumating siya sa buhay ko, I closed my heart. Kasi siya lang eh, at totoo yon. Siya lang naman talaga. But it seems hindi kami talo. Hindi pa sarado ang puso niya para sa isang babaeng katulad ko. 

If I only knew then, what I know now.. Hindi ko muna talaga siya sana sinagot. Sana naghintay pa ako, sana tiningnan ko muna kung sino siya at ano ba talaga yung nararamdaman niya. :). I said "Yes" because I love him, more than anything in this world. Pero siya. Sana naging sigurado muna siya. :). 

But yeah, we're okay. Again, kasalanan ko to. Wala siyang kasalanan dito. Ako ang naghanap ng problema. Ako ang naghanap ng gulo. ^___^. 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.