Tuesday, August 26, 2014

Sa totoo lang

Naiinis lang ako sa fact na hindi stable tong nararamdaman ko. Kumbaga sa tiwala, hindi talaga. Minsan feeling ko wala naman siyang gagawing masama, pero minsan feeling ko rin na meron. Alam mo yun? Wala yung stable time na "sus, hindi yan." "Alam ko namang di nya ako lolokohin." "Sure na ako sakanya." Kahit nga yung "love ako niyan." Hindi sya stable at hindi ako natutuwa dun. Naiinis ako kasi panget tong ganto eh. 

Nakakainis lang. Kasi ang panget ng gantong klaseng relationship sa totoo lang. Kumbaga, hindi to magwowork kung di ka naman talaga masyado nagtitiwala sa partner mo. 

Honestly, gusto ko magtiwala. Yan yung gusto kong choice. Sobra. Pero may naghoholdback eh. Malamang dahil to sa mga nagawa niya sakin. Ang hirap ng ganto. Yung wala kang sense of security sa partner mo. Kumbaga parang lagi ka nalang nagaabang na lolokohin ka. Parang imbis na yung good future yung inaabangan mo, parang yung bad yung nasa isip mo. Kumbaga hindi ka talaga secured. 

Kaya lang naman ako nagsstay pa kasi syempre, love ko yun. Tsaka alam mo yung feeling na "alam mong may mangyayari pang magagandang bagay at magiging worth it din lahat" feeling. Kahit nung hindi pa kami, yung mga araw na hindi sya palagi pinapayagan sa mga lakad, sinasabi ko na talaga sa sarili ko yan. Na darating din yung araw na magiging okay na.

Ang lungkot lang kasi ganto ang tingin ko sa rel namin. Parang nagaabang nalang talaga ako na lolokohin din niya ako sa huli. Sa totoo lang din kasi, hindi priority ang tingin ko sa sarili ko pagdating sakanya eh. Parang second highest priority lang. Lalo na ngayon nasa abucay sya. Ni good morning wala na. Ni effort lang ata na icheck yung phone nya wala eh. Alam mo yun, parang wala lang talaga. 

Pero ayun. Hindi naman porket eto ang tingin ko, eto na yung totoo eh. Pero ewan. Nakakainis lang kasi wala yung "stable feeling" ko. Feeling ko palagi, niloloko na ako. Hindi ako secured. Sobrang hindi. 

Hindi ko alam kung sino ba may problema samin, siya ba or ako. 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.