So ayun.. May pinarinig kasi akong kanta sakanya, "Di na ganon" by Yeng. Sabi ko sakanya naiyak ako nung narinig ko. Which was very true. Hindi ko alam, parang in a way.. All of the lyrics just struck.
Then while he's listening to it, I saw him cry. As ing may luhang pumatak talaga so nagulat ako. Then ayun, nagassume na siya na "di na ganon". Sa side ko naman, di ko kasi talaga alam. Kasi yung feeling ko talaga either way, masakit.
Then we started talking. Unexpected talaga tong major talk na to. Sinabi ko sakanya yung mga bagay na nararamdaman ko. Sinabi ko sakanya na "Oo, pinagbigyan naman na kita pero nakakainis kasi hanggang ngayon.. Hindi ko parin makalimutan." Sinabi ko sakanya na tingin ko talaga hindi ako yung tipong babae na dapat maloko ng ganon. :/
Then siya naman ang nagsalita. Issum up ko malamg, sinabi niya na naiintindihan daw niya ako. He even asked me if I wanted some time for myself. Natuwa ako kasi nirespeto niya yung side ko. Pero one thing na nakita ko habang sinasabi niya yun.. He was really hurting bad. His tears won't stop. Tuloy tuloy lang habang sinasabi sakin ang mga bagay bagay.
"Kahit iwan mo ko, oo masakit, pero kung doon ka magiging masaya, magiging masaya ako para sayo. Yun ang importante, ang maging masaya ka."
Hindi ko na alam yung exact words but I'm pretty sure na yan talaga yung point niya and ayun.. Thank you for understanding me. Sobrang respeto ang nakuha ko sayo dahil sa mga pinakita mo ngayon. :) Ayaw naman daw niya kasi na magstay ako sakanya, pero siya yung nagccause ng suffer ko. Ayaw niya yung fact na siya pa magbibigay nun sakin.
"San ka ba mas magiging masaya?"
Both ways, mahirap para sakin. Sobra. Pag umalis ako, masakit. Pag nagstay, masakit parin. Hindi naman daw ako pwede sa gitna so tinanong niya ako kung saan ba ako magiging mas masaya in long-term? I told him..
"I'm sure na pag umalis ako, magiging masaya rin ako after. Sure yon. At pag nagstay ako, wala kasiguraduhan kung ano mangyayari."
Something like that. Then he suddebly kissed me. I honestly don't know why. As ing wala talaga akong ideya. Anong meron doon sa sinabi ko na nakapagpapush sakanya na ikiss ako? Diba? Haha. But that kiss somehow ended our conve.. And at the end of the day, we decided to just be strong for each other.
Things became complicated but we still managed to be alright at the end of the day. Thank you, God. :)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.